5-5-11 = 1
May 05, 2011 = naiwan akong nag-iisa.
Isang taon na nga ang lumipas mula noong araw/gabing yon sa lovers lane ng UST.
Honestly, hindi ko napaghandaan tong araw na to. Never ko ata kasing naisip na aabutan ko pa yung anniversary nang iwan mo ko. di ba nga, suicidal ako? Sa totoo lang, by this time dapat wala na ko sa mundong to. Kung nakapagplano lang ako, dapat nasa lovers lane ako ngayon, nakaupo sa bench kung saan pareho tayong umiyak, katabi ng mga punong nakarinig at nakapanood sa ending ng tragic drama love story natin.
Isang taon na nung iniwan mo ko. Well, siguro long before pa nun nung iwan mo. Mula pa lang nung nagdesisyon kang ayaw mo na at tatapusin na natin to. Dun pa lang iniwan mo na ko e. There and then, you took the first step away from me. Kaya siguro ang bilis mo rin mag-move on.
Hay. Ang bilis ng panahon, pero mabagal din. Ang dami ko ring pinagdaanan. Ang daming nangyari. Pero overall, parang ganun lang din naman. Parang isa lang naman yung nangyari. Or parang wala nga e. Nandito pa rin ako nasasaktan, iniisip ka pa rin, hinihiling na sana mabago ko pa yung mga bagay na nagawa ko noon, sana bigyan pa ko ng pagkakataon. Guilty pa rin ako as ever sa kagagahan ko. Parang hindi pa rin magaling yung mga sugat.
Kung tatanungin ako (actaully may nagtanong nga kanina) kung mahal pa kita...siguro hindi na ganun ka-solid yung sagot ko. Mahal pa kita siguro, oo, pero hindi na siguro yung tipong gusto ko bumalik ka or maging tayo ulit. Madalas kasi ngayon, hindi ko na sure kung mahal pa nga ba kita o nag-giguilty na lang ako sa mga kasalanan ko. Ang alam ko lang, mahal kita the way people love their lost loves...yung alam mong nasa puso mo lang palagi yung taong yun, kahit ano pa ang mangyari. So I guess improving na ko sa pag-move on sayo? Sana nga. Ang tagal ko na ring lugmok sa pwestong to no. Inugatan na ko at nabulok. Malapit na ngang mamatay.
How appropriate na ngayon ko rin makita sa news feed ng facebook yung picture nung bago mong girlaloo with your family.
Actually, nakita ko na nga to dati. Pero dahil yun sa pagiging pakielamera ko. Sabi mo dati mauuna akong magkaroon. Sabi na nga ba hindi mangyayari yun e. Tulad nung sinabi mong magiging magkaibigan tayo. Ang masaklap pa, kilala na agad siya ng family mo. Hindi na mahalaga kung kailan naging kayo kung ang point of comparison ay yung timeline ng relationship natin at relationship niyo. Nung ako kasi, isang taon at tatlong buwan na tayong magkakilala bago ko na-meet yung family mo. Bale, 9 months na tayo nun. I'm pretty sure hindi pa kayo ganun katagal no. Unless, tulad ko, may ginagawa ka ring himala noon.
Maraming in-offer saking dahilan yung mga kaibigan ko. kesyo hindi mo raw naman kasi talaga ako mahal, hindi ko raw alam ang dahilan, wag daw ako magjump to conclusions. But the lone guy I asked about it told me, "nagawa na kasi niya sa'yo. kaya madali na lang para sa kanya ngayon." Simply that. Nag-hold on ako sa reason na to. True enough, ako naman kasi talaga ang unang babaeng pinakilala mo sa kanila.
(my apologies for the segue, hindi ko na kasi na-blog to noon.)
Anyway, na-confirm kong siya nga yung babaeng kumakalantari (kumakalantari talaga?) sa'yo nung bago-bago pa tayong break. Tinanong kita kung sino siya, pero katulad ng maraming eksena nung nagbreak tayo, hindi mo ko ni-replyan. Hindi ko alam kung sino siya. Ewan ko. Ayokong masyadong isipin. Ang napansin ko lang, at ayoko naman din masyadong feeling, parang kamukha ko siya. Siguro sasabihin mo sa'kin, "ba't ko naman gugustuhing alalahanin ka?" Hahaha...sorry naman. Minsan illusionada ako e. Minsan gusto kong maniwalang mahal mo pa ko. Na masyado lang kitang nasaktan kaya mas pinili mong umalis na lang. Na hindi nga kasi sapat yung pagmamahal mo para ibaon yun sa limot. Okay lang din, naiintindihan ko. Mabigat naman talaga yung kasalanan ko. Kaya nga hanggang ngayon pinagbabayaran ko pa di ba?
May nagsabi rin sakin, "Pabayaan mo na yun. Hindi ka kayang ipaglaban nun."
Pero dapat bang i-demand ko sayo yung mala-Diyos na pagmamahal gayong ako naman ang may sala at tao ka lang?
AAARGH. Babalik lang ako sa dating grievances ko..paulit-ulit na lang ang nira-rant ko. nakakasawa na.naririndi na rin ako sa utak at puso kong laging nagdidiskusyon. Minsan gusto kong sabihin sa kanilang "tantanan niyo na ko!" at sana nga, para mawala na ko dito. HAYYY.
okay, tama na sa segue.
Ito ang Year One ng buhay ko. Ang pagsisimulang muli. Panibagong buhay na. Back from the dead ang peg.
Mula ngayon, iiibahin ko na ang ikot ng mundo ko. Hindi na siya iikot sa void na iniwan mo. Hindi na ko pahihigop sa Black Hole na ginawa mo sa puso ko.
Pipilitin kong hindi iakma sayo ang mga plano at gagawin ko sa buhay.
Tsaka sabi mo rin naman noon, kung tayo, tayo talaga. That bullshit thing.
Mula sa araw na to, gusto kong pagsikapan na kalimutan ka.
Yung mga hinhiling ko tuwing 11:11,
sa mga plakang pare-pareho ang number o letter
at sa unang star na nakikita ko sa gabi,
kakalimutan ko na. Yung wallpaper face mom sa phone ko at sa laptop ko, aalisin ko na. Yung pangalan mo sa contacts ko, papalitan ko na. Pero hindi ako magbubura...hehe.. sorry. Di ko naman kasi gawain yun.
At sa totoo lang, masokista talaga ako.
Pero gusto ko nang maging okay. Matagal na. Napagod na rin ako. Hindi katulad nung friend ko na nagsabing kaya siya hindi nagte-take ng steps para mag-move on e hindi raw siya kating-kati maging masaya, well ako kating-kati na. Sugat-sugat na sa kakakamot na maging masaya. Gusto ko na ring maging masaya para sayo e. Yung bang pag nakita kita, may kasama ka man o wala, kaya kong ngumiti hindi dahil nakita ko yung mukha mo ulit kundi dahil kuntento na ko sa mga nangyari.
Siguro peacefulness din yung hinahanap ko. Yung at peace na ko with my past. Yung buntong hininga at luwag ng damdamin na sasabihin mong, Yes, okay na. Malaya na ko. Ang tagal ko nang hinihintay yun e. Siguro naniniwala akong only when we've settled the battles within our past and made peace with them can we truly move on and have a better future. Ayokong masira ng past ko yung future ko. Kaya gusto ko maayos muna lahat.
Pero mukhang matatagalan pa. Ang hirap naman kasi. Pero tingin ko ang mahalaga ngayon, mas ipu-push ko na yung sarili ko. Wala na rin naman kasing dahilan para manatili dito di ba? Kasi nilinaw mo naman talaga dati pa na wala na, na nagdecide ka na never to come back. Ako lang talaga ang problema. Feeling special kasi ako.
Pero no matter what, you'll always be special to me.
Happy anniversary sa paglaya mo!
Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka.
Sana palagi pa ring nakikita yung dimple mong sing-lalim ng butas sa puso ko.
Sana masaya ka, at sana maging ganun din ako.